Ang social media ay nagsisilbing tulong upang makapag-usap ang dalawang tao gaano man ito kalayo sa isa’t isa. Ngunit napakadali din nitong gamitin upang makapanloko ng tao.

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang naloko ng isang poser sa Facebook upang huthutan siya ng pera.

Isa sa mga pinadala ni Kabayan!

Ayon kay Cheryl Bartina, 33 taong gulang, nagtatrabaho siya sa ibang bansa bilang isang babysitter ngunit nagdesisyon siya na dumulong sa “Raffy Tulfo in Action”.

Niloko di umano siya ni Renerose Ogayre, 30 taong gulang, si Bartina at gumawa ito ng pekeng Facebook account para huthutan siya ng pera.

Isa pang Vincent Motenegro ang nadamay dahil ginamit ni Renerose and larawan nito upang lokohin si Bartina.

Ang sabi ni Bartina, si Ogayre ay nakilala niya bago paman siya nagpunta ng Hong Kong para sumailalim sa medical exam. Ang gusto ni Ogayre ay ipakilala siya sa kanyang pinsan na kalaunan ay naging textmate nito.

Noong nasa Hong Kong na si Bartina, bigla umanong nagparamdam ang sinasabing ‘pinsan’ ni Ogayre sa social media.

Sa kasamaang palad, si Ogayre lang pala ito na nagpanggap na lalaki upang lokohin at huthutan siya ng pera.

Sa loob ng tatlong taon at limang buwan ay nakapagpadala na si Bartina kay Ogayre ng humigit kumulang 1 milyon at iba’t ibang gamit..

Isang wedding ring din ang binili ni Bartina para sa nakatakda nilang kasal. Ang masaklap pa doon ay nakapagpadala si Bartina ng maseselang larawan kay Ogayre na inakala niyang kanyang totoong boyfriend. Ang mga larawan ay ginamit din na pang blackmail kay Bartina.

Tinodo na din ni Ogayre ang kanyang panloloko at gumamit ng isang application upang maging boses lalaki at mapaniwala ang OFW sa kanyang modus.

Ngunit isang araw, aksidenteng napindot ni Ogayre ang ‘accept’ noong nagyaya si Bartina na mag videocall. Nagulat siya sa nakita niya na ang ka chat pala niya ay si Ogayre lang pala.

 

YOUR COMMENTS

We encourage all readers to share their views on our articles and blog posts. We are committed to maintaining a lively but civil forum for discussion, so we ask you to avoid personal attacks, and please keep your comments relevant and respectful.